Monday, September 21, 2015

Journal Entry. August 18, 2008

Binati kita. Sabik na sabik makita kang muli. Kunwari lang na bad trip lang ako kapag nakikita ka pero hinahanap pa rin kita.

Binati mo din ako.

Kumustahan. Lokohan. Kanya kanyang hangin at yabangan. Natutuwa na kapiling kang muli.



Kumustahan ng puso. Ang akin, eto, okay, nasa kamay ng iba ngunit nagaalinlangang tumakas. Sa’yo?

Eto, malapit na malamnan.

Gulat. Galit. Pighati. Hindi ko noon maintindihan ang nararamdaman ko. Pero siyempre, ngumiti din ako sa’yo. Mahal kita eh. Nabaliw na ako sa iyo. Sinisira ko na buhay ko at mundo ko para sa’yo. Masaya ka na kasi. Masaya na rin ako.

Sa pagkakataong ito, mapapahiwalay ako. Di bale na. Ayoko rin malaman ang lahat tungkol sa inyo. Baka lang mapabigay ako nang di oras. 

Mahal kita. Malinaw iyon. Pinilit ko man patayin ang damdamin pero bakit ayaw kitang bitiwan? Bakit ba ang dalangin ko ay magkawalay kayong dalawa? Marahil nga ay mahal na nga kita.

Magkatabi tayong nakatayo habang nakikinig sa opening remarks ni pastor. Magkatabi. Di ko na pinairal ang kasupladuhan ko. Balikat sa balikat. Na miss kita sa totoo lang. Binabadtrip mo na naman ako pero okay lang. Kahit papaano hinihingi mo din na mapansin kita. Di bale na. Kahit papaano kasama pa rin kita, kasi di magtatagal di mo na gagawin yan sa akin. Inisin mo man ako, okay lang basta nandyan ka.

Ganito na kalapit siguro ang maaabot ng katawan ko sa iyo. Magkasama lang tayo pero hindi tayo. Hindi ka akin, o kahit kailan man di ka magiging akin. Bukas kaya? Ano kaya ang bukas natin?


Bakit pa ba umibig sa iyo? Putang ina mo! Tarantado ka! 

Sunday, September 20, 2015

Today

Ngayon mas paguusapan niyo ang mangyayari kay Alden at kay Yaya.

Dahil wala nang maalala pa sa araw na ito.

Nabaon na sa kahapon. Wala nang lilingon pa.

Lahat sila laya na. Lahat sila santo na. Lahat sila sinasamba na.